Inilunsad ng DILG Cagayan ang BarKaDa Program na may ibig sabihing Barangay at kalinisan Day kasabay ng pagdiriwang ng Nationwide Community Based Coastal Clean -up Drive Program sa Barangay Maura Aparri, Cagayan noong Setyembre 16, 2023.
Pinangunahan ni Engr. Maria Loida M Urmatam, Provincial Director ng DILG Cagayan, katuwang ang mga opisyales ng Aparri at Barangay Maura.
Hinimok ng opisyal ang lahat na palakasin ang waste management system o maayos na pagtatapon ng basura para sa mas malusog at maaliwalas na kapaligiran.
Tiniyak naman ng pamahalaang lokal ng Aparri na kanilang pananatilihin ang magandang naumpisahan para sa kalinisan at kaayusan ng kanilang kapaligiran.
Source: DILG Cagayan