23.8 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Kawani ng Gobyerno, nakahanda na para sa mga hakbang pangkaligtasan sa Tuguegarao City

Nakahanda na ang mga kawani ng Cagayan Disaster Risk Reduction Management Office at Cagayan Social Welfare Development Office sa loob ng People’s Gymnasium na magsisilbing Command Post bilang bahagi ng ginagawang paghahanda ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa maaaring epektong dulot ng bagyong Marce nitong ika-7 ng Nobyembre 2024.

Tiniyak ng CSWDO sa pamumuno ni Mayor Maila Ting-Que na sapat ang mga nakahandang food packs para sa relief operation. Sa katunayan, nakahanda na rin ang karagdagang suplay para sa repacking kung kinakailangan.

Una rito ay nagsagawa ng prepositioning ng mga gamit ang mga tanggapan ng Engineering at GSO gaya ng sasakyan sa mga barangay na kadalasan ay nababaha, upang agad na mailikas ang mga residente sa mga evacuation center.

Ito ay bahagi ng direktiba ng City Mayor sa ginanap na pulong ng CDRRMC upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, dahil na rin sa inaasahang pagtaas ng lebel ng tubig sa Ilog Cagayan na sa kasalukuyan ay nasa 4.5meters.

Kaya naman, ang kahandaan ng gobyerno sa pagharap sa mga bagyo ay mahalaga upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan. Sa pagkakaroon ng mga epektibong plano, sistema, at kagamitan, maaaring mabawasan ang epekto ng mga kalamidad at matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles