Lumahok ang Local Government Unit ng Tuguegarao sa kauna-unahang North Luzon Travel Fair (NTLF) na ginanap sa SMX Convention Center, Clark, Pampanga na tumagal ng tatlong araw mula ika-18 hanggang ika-20 ng Nobyembre 2022.
Ang naturang travel fair ay may temang “Weaving our Way to Recovery featuring Hibla ng Lahi: The Weaves of Northern Luzon.”
Ang NLTF ay proyekto ng DOT Regional Offices (Region 1 – Ilocos Region, 2 – Cagayan Valley, 3 – Central Luzon, at CAR – Cordillera Administrative Region), at ang Alliance of Travel and Tour Agencies of Pampanga (ATTAP), suportado ng Tourism Promotions Board Philippines (TPBP) at Philippine Airlines (PAL).
Kasama sa mga ibinida ang mga produkto, serbisyo, pagkain, pasalubong items at lokal na kultura ng bawat rehiyon.
Ang travel fair ay naglalayong ipamalas ang pagkakaisa sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor sa pamamagitan ng pagpapakita ng magagandang tourist destinations ng Pilipinas. Source: Tuguegarao Public Information Office