13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Kauna-unahang gawaing akademya sa pagdiriwang ng 73rd Founding Anniversary ng Cabatuan, Isabela, inilunsad

Naglunsad ng gawaing akademya ang Cabatuan, Isabela bilang pagdiriwang ng 73rd Founding Anniversary na ginanap sa Cabatuan National High School noong ika-4 ng Nobyembre 2022.

Ang dating isinasagawang extra-curricular activities sa araw ng pagdiriwang ng kanilang 73rd Founding Anniversary ay pinalitan ng gawaing akademya na pinangunahang inilunsad ng Committee on Cultural Affairs ng nasabing bayan.

Ang gawaing akademya na ito ay kauna-unahan sa kasaysayan ng bayan at ito ang Inter-High School Debates kung saan masisilayan ang tagisan ng galing sa debate ng mga kalahok na High School students mula sa iba’t ibang matataas ng paaralan sa bayan ng Cabatuan.

Matatandaan na sa mga nakaraang taon, naging sentro ang extra- curricular activities sa araw ng nasabing pagdiriwang kaya naman pinalitan na ng gawaing akademya alinsunod na rin sa DepEd Order No. 34s. 2022 na naghihigpit sa pagsasagawa ng mga extra-curricular activities sa mga paaralan.

Ayon sa mga kalahok, mainam din ang gawaing akademik dahil hindi naman lahat ay nakakasali din sa mga extra-curricular activities dahil nga sa COVID-19 virus.

Dagdag pa ay naipapakita nila ang kanilang talento at talino sa debate. Layunin ng aktibidad na ito na mapalawig ang kaalaman ng mga mag-aaral at maging aktibo sa gawaing akademya upang makaiwas sa masasamang bisyo at ilegal na gawain sa komunidad.

Source: Sinag Haraya FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles