15.7 C
Baguio City
Saturday, January 25, 2025
spot_img

Kauna-unahang Coffee and Food Fest ng Ilocos Norte, inilunsad

Halos 40 na kalahok kabilang ang 23 exhibitors mula sa 23 na lokalidad sa lalawigan ng Ilocos Norte ay naghahanda para sa unang Coffee and Food Festival ng Ilocos Norte sa Arte Luna, Paoay Church Complex nito lamang ika-29 ng Nobyembre 2023 at gaganapin ito sa Disyembre 13-14, 2023.

Ayon kay Ginoong CJ Peregrino ng Provincial Tourism Office, nakipagsosyo sila sa Dovetail, isang sub-urban Cafe and Bakery na nakabase sa Australia at One Coffee Studio na nakabase sa lokal para sa kaganapan na naglalayong palakasin ang lokal na industriya ng kape at pagkain.

Ayon pa kay Peregrino, ang dalawang araw na kaganapan ay magtatampok ng coffee brew showdown, pagtikim ng mga bagong inilunsad na produkto ng kape at pastry, at isang cook-off sa mga local government units.

Pinagsama-sama ng mga munisipalidad ng Piddig at Pagudpud ang kanilang mga nagtatanim ng kape para sa pagproseso at pagpapakilala ng isang homegrown brand ng “Kapeng Ilokano.”

Alinsunod sa mga pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na gawing commercial hub at gateway ang Ilocos Norte sa hilagang bahagi ng Luzon, sinabi ni Gov. Matthew Joseph Manotoc, sa isang naunang pahayag, na mas maraming value-adding na produkto ang ginagawa upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles