18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Kauna-unahang Cagayan Provincial Book Fair, inilunsad ng CPLRC

Inilunsad ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ang kauna-unahang Provincial book fair sa lalawigan ng Cagayan Fair nito lamang Huwebes, ika-04 mg Mayo 2023 sa Coliseum, Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City.

Ang CPLRC ang kauna-unahang naglunsad ng book fair sa lalawigan, kung saan libo-libong aklat mula sa 14 national publishing houses ang maaaring mapili at mabili ng mga aklatan, estudyante, guro, mananaliksik, at ng publiko bilang reference materials.

Ayon kay Mr. Michael Pinto, Provincial Librarian, naging katuwang nila ang Cagayan Library Consortium sa paglulunsad nito.

Pinangunahan ni Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, Provincial Administrator ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang programa at ribbon-cutting ceremony kasama si Clarita Lunas, ang Consultant on Education ng Kapitolyo ng Cagayan.

Samantala, binati ni Atty. Mamba-Villaflor ang CPLRC sa pagsasagawa ng “another first” para sa probinsya kung saan binigyang-diin nito ang mga naging hamon ng CPLRC sa mga nagdaang taon, maging ang mga natupad na plano ni Governor Manuel Mamba upang maging state-of-the-art ang aklatan ng probinsya.

Bukod dito, nanumpa naman ang mga bagong opisyal ng Cagayan Province Authors and Writers Association, Inc.

Kasabay ng book fair ang pagsasanay sa “Trends in Library Management and Collection Development for Libraries” na dinaluhan ng mga librarian mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan, Kalinga, Manila, at Bukidnon, maging ang mga manunulat sa probinsya, book dealers, publishers, at mga guro.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles