19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Kauna-unahang Bucas Center ng DOH sa Cagayan, pinasinayaan

Pormal ng pinasinayaan na ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services o BUCAS Center sa lalawigan ng Cagayan, pasilidad na magagamit ng mga residente ng Amulung West at katabing bayan para sa simpleng medical services sa Barangay Nangalasauan, Amulung, Cagayan. noong ika-15 ng Agosto 2024.

Ang pasilidad ay mamanduhan ng mga medical practitioner mula sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC para sa konsultasyon ng pasyente, laboratory exam, paggamot sa mga simpleng karamdaman at iba pang outpatient services.

Ayon kay CVMC Medical Center Chief, Dr. Cherry Lou Antonio, bukod sa libreng serbisyo ay libre rin ang ibibigay na mga gamot para sa mga pasyente. Sa ganitong paraan ay mas lalo nilang maipapaabot ang Pangkalusugang Pangkalahatan o Universal Health Care sa mga Pilipino hanggang sa mga liblib na lugar sa bansa.

Walang katapusan naman ang pasasalamat ng DOH-Region 02 kina Cagayan 3rd District Rep. Joseph Lara at sa kanyang maybahay na si Dr. Zarah Lara, dahil ni isang sentimo ay walang ginastos ang kanilang kagawaran upang maipatayo ang nasabing Center

Ang pagtatayo ng BUCAS Center ay bahagi ng 8-Point Action Agenda for Health ni DOH Secretary Ted Herbosa, kung saan target nitong makapagtatag ng 28 BUCAS Centers hanggang sa taong 2028.

Source: DOH

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles