23.6 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

Kauna-unahang Bahayanihan Project ng LGU Tuguegarao City, napasakamay na ng napiling benepisyaryo

Personal na iginawad ni City Mayor Maila Ting-Que kasama sina Police Lieutenant Colonel Richard Gatan, Hepe ng Tuguegarao Component City Police Station at ilang City Councilors ang Seal of Ownership sa benepisyaryo ng unang Bahayanihan Project ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao noong Nobyembre 20, 2023

Masayang tinanggap ng pamilya ni Ginoong Bulatao ang kaloob na tulong bilang unang recipient sa labindalawang (12) benepisyaryo ng Bahayanihan Project.

Sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office, natutukoy ang magiging benepisyaryo ng proyekto.

Katuwang sa proyekto ang mga uniformed personnel na kinabibilangan ng PNP at Philippine Army sa pagpapatayo ng mismong istraktura.

Ang proyekto ay naglalayong tulungan ang ilang residente na walang kakayahang magpatayo ng disente at matibay na bahay.

Source: Tuguegarao City Info Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles