14.8 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Katakamtakam na Pansit Batil Patong ng Tuguegarao bumida sa Pavvurulun Afi Festival

Muling sumigla ang lungsod ng Tuguegarao dahil sa pansit eating at cooking competition na ginanap sa harap ng City government-owned Mall of the Valley bilang bahagi ng Pavvurulun Afi Festival nito lamang Linggo, ika-14 ng Agosto 2022.

Bukam-bibig ang paboritong lokal na pansit ng Tuguegarao o kilala sa tawag na pansit batil patong dahil sa kakaibang pagluto at sangkap nito. Sikat ang masarap na local noodles dito sa lalawigan pati na rin sa ibang dako ng bansa.

Dinarayo at kinagigiliwan ang pansit na ito dahil matatakam ka kapag nakita na ang itlog na nakapatong sa local noodles, ginisang karne, at mga gulay na may kasamang basag na itlog na hinaluan ng kumukulong beef stock na ibinuhos sa isang mangkok kasama ang isang espesyal na sarsa at kutsarang puno ng tinadtad na sibuyas at suka.

Talaga namang dinumog ang naturang kompetisyon hindi lang dahil sa sarap ng pansit batil patong bagkus ay nakatanggap ng mga cash prizes ang mga nanalo na sumali sa naturang aktibidad.

Lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao sa patuloy na pagtangkilik ng mga kababayan sa Cagayan pati na ng mga turista sa orihinal na pagkain sa lungsod na nagbibigay ng kabuhayan at nakakatulong sa ekonomiya ng syudad.

Ang lungsod ay may humigit kumulang 200 panciterya na nag-aalok ng pansit batil-patong. Mayroon ding maliliit na kainan na naghahain ng dinarayong pansit sa mismong mga bakuran nila.

Samantala, tiniyak din ng organizer ng festival na mahigpit na ipinatutupad ang minimum public health standards upang mapanatili ang kaligtasan ng mga dumalo sa kaganapan.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1181303

https://web.facebook.com/TuguegaraoCIO/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles