18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Kaso ng Kabag vs NTF-ELCAC pinagkibit-balikat

Ipinagkibit-balikat lang ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict o NTF-ELCAC ang isinampang kaso ng Kabag Partylist.

Kasabay nito ay nagkakaisang sinabi ng mga NTF-ELCAC Cluster Heads sa pangunguna ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., Vice-Chairman din ng Task Force, na pangha-harass lang at propaganda ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang hakbang.

Sa balitaan kahapon ng NTF-ELCAC sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Esperon na tinutupad lamang nila ang kanilang mandato na protektahan ang bansa at ang mga Pinoy sa banta ng mga teroristang-komunista kapag sinasabi nilang may kaugnayan o iisa lamang ang CPP-NPA-NDF at ang mga miyembro ng KABAG (Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT at Gabriela) Partylist.

Sinabi rin ni Assistant Solicitor General Angelita Miranda, ng Office of Solicitor General (OSG) at Cluster Head ng Legal Cooperation Cluster (LCC) ng task force na matagal nang kaaway ang CPP-NP-NDF di lamang ng pamahalaan kundi pati ng taong bayan.

Pahayag pa ni Miranda na di sila matatakot at tatakbo sa kasong isinampa sa kanila sapagkat alam nilang ibabasura lamang ito

Ipinaliwanag naman ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo, NTF-ELCAC Cluster Head sa Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) na ang kaso laban sa kanila ay pananakot lang.

“Harassment ito ng KABAG. Gusto nila na matakot kami at huminto sa pagsasabi ng katotohanan. Ang kanilang niloloko noon ay di na nila maloko ngayon,” paliwanag ni Monteagudo.

Source: Kaso ng Kabag vs NTF-ELCAC pinagkibit-balikat (abante.com.ph)

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles