Ang Aquino Center and Museum ay isa sa mga pinakamagandang lugar upang bisitahin kung nais mong bumalik sa ilang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ito ay matatagpuan sa Hacienda Luisita, San Miguel, Tarlac City na itinayo bilang pag-alala sa yumaong Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at ng kanyang asawa, ang yumaong Pangulong Corazon “Cory” Aquino.
Ang nasabing Museo ay idinisenyo ng isang kilalang Pilipinong arkitekto na si Francisco Manosa at pinananatili ng Benigno Aquino Jr. Foundation.
Ito ay naglalaman ng mga antolohiya ng mga larawan at memorabilia ng pamilya Aquino na nagpapakita ng pamana ng yumaong mag-asawa.
Mayroon din itong pagbabalik-tanaw sa makasaysayang buhay ni Corazon at Ninoy.
Ang pagbisita rito ay makapagbibigay ng maraming impormasyon patungkol sa pamilya ni Aquino na may koneksyon sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Source: https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/The-History-Remains-at-Aquino-Center-and-Museum