18 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

Kasalang Bayan, isinagawa ng LGU Cabatuan ISABELA

Nagsagawa ng Kasalang Bayan ang LGU Cabatuan sa pangunguna ni Hon Bernardo A Garcia Jr., Municipal Mayor, na ginanap sa Municipal Gym ng Centro, Cabatuan, Isabela noong ika-17 ng Pebrero 2023.

Masaya ang 50 na mag-asawa sa isinagawang kasal sa kanila ng butihing alkalde dahil ang iba ay walang kakayahang magpakasal dahil na rin sa kakapusan sa pinansiyal.

Ang iba naman ay sa halip na panggastos sa kasal, ilalaan nalang sa gastusin ng kanilang pamilya, kaya nagagalak sila na may ganitong isinagawa ang lokal na pamahalaan ng Cabatuan.

Dumalo sa aktibidad si Engr. Girme M Bayucan, OIC, Regional Ditector ng PSA RSSO II, mga Sangguniang members, Barangay Officials, mga pinuno ng bawat departamento at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan ng Cabatuan, Isabela.

Layunin ng aktibidad na ito na gawing legal ang pagsasama ng bawat mag-asawa at maging lehitimo ang kanilang mga anak. Ito ay isang kabanalan para sa pagsasama ng mag-asawa at siyang pundasyon ng pamilya.

Source: LGU Cabatuan, Isabela

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles