17.6 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Kapitolyo sa Barangay Program, muling umarangkada

Muling umarangkada at namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Pampanga ng cash assistance at food packs sa 1,200 na benepisyaryo kabilang ang (600) kabalen mula Barangay Camuning, at (600) sa Barangay Panipuan, Pampanga nito lamang ika-10 ng Agosto 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Dennis “Delta” Pineda, Gobernador ng Lungsod, para sa mga Kapampangan katuwang sina Board Members Jun Canlas at Lucky Labung, Concilors Trina Dizon Guevarra at Romeo Payabyab, Mexico ABC Pres. Terence Napao, PDRRMO Chief Angelina Blanco, Acting PSWDO Fe Manarang, at mga tauhan sa GSO.

Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap. Isang paraan lamang ng Pamahalaang Lungsod na tiyakin na ang mga serbisyo’t programa ng Kapitolyo ay aabot hanggang sa mga mamamayan sa nasa laylayan ng lipunan.

Layunin ng programa na ipadama ang malasakit at pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga ganitong serbisyo para sa inaasam na maunlad na Bagong Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles