Inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang programang “Kapitolyo sa Barangay” sa mga residente ng Barangay San Jose Apunan, Lubao, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-21 ng Hunyo 2024.
Ang nasabing programa ay pinamunuan ni Hon. Dennis Pineda, Governor ng Pampanga katuwang ang Vice Governor na si Hon. Lilia Pineda.
Ang mga residente ng nasabing barangay ay nakatanggap ng food at cash assistance.
Ang nasabing programa ay naglalayon na maibahagi ang mga serbisyo publikong hatid ng Pamahalaang Panlalawigan upang matulungan ang mga nangangailangan sa kanilang komunidad.