Tuloy tuloy na umarangkada ang Kapitolyo sa Barangay ng Pamahalaan ng Pampanga para sa mga residente ng Barangay Mabuanbuan, Sasmuan, Pampanga nito lamang ika-22 ng Pebrero 2025.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Hon. Dennis Pineda, Gobernador ng San Fernando, Pampanga, kasama sina Board Members Sajid Khan Eusoof, Atty. Claire Lim, JC Cruz, Atty. Jun Canlas, Special Assistant to the Governor Angelina Blanco, PSWDO Head Fe Manarang, Sasmuan Mayor Catalina Cabrera, at iba pang opisyal ng barangay.
Sa personal na pagbisita ni Gov. Delta, sa Brgy. Mabuanbuan, tiniyak na aaksyunan ang ilang pangunahing pangangailangan ng komunidad.
Bukod dito, nakatanggap ang mahigit limang 512 na residente ng libreng food packs at financial assistance mula sa Kapitolyo, na labis namang ikinatuwa ng mga benepisyaryo.
Sa patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan, mas maraming residente ng Pampanga ang nakakatanggap ng direktang tulong at serbisyong tunay na may puso.
