na inihatid ang programa sa pangunguna ni Hon. Dennis Delta Pineda, Governor, katuwang ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Treasurer’s Office (PTO), at General Services Office (GSO).
Namahagi ng pinansyal na tulong at food packs, bukod dito tiniyak din ni Gov. Delta na mas paiigtingin pa ng Kapitolyo ang mga programang pangkalinga, kabilang ang libreng serbisyong medikal at iba pang tulong para sa mga Kapampangan na kung saan 1,618 residente ng naturang lungsod na ang personal na nakatanggap ng tulong.
Ang Kapitolyo sa Barangay ay isa lamang sa mga programa ng Pamahalaang Lalawigan ng Pampanga na naglalayong iparamdam sa bawat Kapampangan na hindi pinababayaan ng pamahalaan, bagkus ay patuloy na sinusuportahan sa kanilang pangangailangan.
