17.8 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Kalsada sa lalawigan ng Quirino, gumuho

Gumuho ang kalsada sa kahabaan ng Cordon-Aurora Boundary Road sa Brgy. Disimungal, Nagtipuan, Quirino nitong Oktubre 3, 2022.

Dahil sa naganap na roadslide ay isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 ang nasabing kalsada at nag-anunsyo ng alternatibong ruta ng mga sasakyan mula probinsya ng Aurora na patungong Quirino.

Inabisuhan ang mga motorista na gamitin ang Aurora-Castaneda-Maria Aurora-San Luis Road (ACSAMAL ROAD) upang hindi maantala sa kanilang biyahe.

Samantala, naglagay na ang kagawaran ng mga warning signs sa apektadong daan at nagpadala na din sila ng mga kagamitan at maintenance crew.

Source: DPWH Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles