Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa paglilinis at pagkolekta ng mga basura sa palengke ng Barangay San Nicolas nito lamang Martes, ika-4 ng Hulyo 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin, City Mayor katuwang ang mga tauhan ng City Environmental Management System.
Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng palengke at magsilbing halimbawa sa mga Angeleños sa paghihiwalay sa kanilang mga basura.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles City na kanilang prayoridad ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.