Pinangunahan ng mga miyembro ng Environmental Management System ang pagtatanggal ng mga basura na nakatambak sa pampublikong lugar ng Angeles City nito lamang Linggo, ika-25 ng Hunyo 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin, City Mayor katuwang ang City Environmental Management System sa pamumuno ni Engineer Donato Dizon.
Tinanggal ang mga nakatambak na basura sa gilid ng kalsada upang maiwasan na bumura ang mga ito lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Kaugnay dito, nagbigay ng babala ang pamunuan ng lungsod na bibigyan ng karampatang parusa ang sinumang lalabag sa Anti-littering Ordinance at hindi susunod sa tamang pagtatapon ng basura.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kanilang nasasakupan.