Pormal nang sinimulan ang Kalinga Treasures Fair 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 Anibersaryo ng Kalinga at ika-6 na Bodong Festival sa MSA Boulevard, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga noong Pebrero 7, 2025.
Pinangunahan ito ng Lokal na Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga at Department of Trade and Industry (DTI)–Kalinga, katuwang ang Chamber of Tabuk City Kalinga Producers Incorporated (CTKAPI), at dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno, negosyante, at iba pang panauhin.
Tampok sa fair ang mga produktong gawang-Kalinga tulad ng habi, kape, pagkain, at iba pang de-kalidad na produkto mula sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs) ng lalawigan na layunin nitong itaguyod ang ekonomiya ng Kalinga sa pamamagitan ng pagbibigay ng plataporma sa mga negosyante upang maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado.
Kasabay ng pagbubukas ng fair, isinagawa rin ang seremonya ng pagpalo ng gong at ang ribbon-cutting ng Creative Pavilion, na opisyal na naglunsad ng exhibit ng mga natatanging produkto mula sa Kalinga.
![](https://i0.wp.com/bosestiamianan.com/wp-content/uploads/2025/02/475755783_3837705643158129_6213417641628029714_n.jpg?resize=696%2C464&ssl=1)
Hinihikayat ang publiko na bisitahin at suportahan ang Kalinga Treasures Fair 2025, na magtatagal ng ilang araw bilang bahagi ng pagsusulong ng lokal na industriya at pagpapahalaga sa kulturang Kalinga.
![](https://i0.wp.com/bosestiamianan.com/wp-content/uploads/2025/02/476381099_1332257477790210_7565444095424214517_n.jpg?resize=696%2C464&ssl=1)
![](https://i0.wp.com/bosestiamianan.com/wp-content/uploads/2025/02/476381099_1319358839484523_4003283243558493793_n.jpg?resize=696%2C464&ssl=1)