17.4 C
Baguio City
Wednesday, October 30, 2024
spot_img

Kalinga para sa mga Cancer Patients, isinagawa sa Pampanga

Higit 50 na cancer patients ang nakatanggap ng pinansyal na tulong at nabigyan ng guarantee letters para sa chemotherapy ang mula sa kapitolyo sa lungsod ng San Fernando, Pampanga nito lamang ika-27 ng Oktubre 2024.

Ang naturang programa ay hatid ng mga kawani ng Pamahalang Panlalawigan ng San Fernando, katuwang sina Bise Gobernador Lilia “Nanay” Pineda at Former Board Member Mylyn Pineda- Cayabyab, ang pamamahagi ng tulong para sa mga benepisyaryo na nakatanggap ng tig-P15,000 na cash assistance.

Bukod pa dito, puspusan din ang pamamahagi ng Kapitolyo ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga guarantee letters para sa kanilang mga chemotherapy. Hindi napigilang maiyak sa tuwa ang 50-years old na si Aling Bernadette, na na-diagnose ng breast cancer noong Hunyo at tanging sa suporta lang ng kanyang mga kapatid umaasa sa pagpapagamot. “Nagpapasalamat po kami sa buong pamilyang Pineda. Sana po marami pa po silang matulungan na kagaya ko.”

Layunin ng naturang programa na suportahan ang mga indibidwal na may sakit, tulad ng cancer, sa kanilang pisikal, emosyonal at pinansyal na pangangailangan sa gitna ng kanilang laban sa sakit.

Sa pamamagitan ng tulong pinansyal, nababawasan ang kanilang alalahanin sa mga gastusin sa gamutan at iba pang medical expenses, na nagiging malaking ginhawa para sa kanila at sa kanilang pamilya.

Ang kalinga ay hindi lamang nagdadala ng pisikal na kaginhawaan kundi nagiging inspirasyon din para magpatuloy sa laban.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles