14.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Kalinga Governor Office nagbigay tulong sa mga nasunugan sa Mt. Province

Tumanggap si Bontoc Mayor Jerome D. Tudlong, Jr. ng Php100,000 na tseke mula sa Provincial Local Government Unit ng Kalinga nito lamang Abril 13, 2023 bilang tulong pinansyal sa mga pamilyang apektado ng naganap na sunog kamakailan sa Poblacion, Bontoc, Mountain Province.

Personal na inihatid nina Kalinga Provincial Assessor Jeffrey L. Uyam at Consultant for Culture and Arts na si Mauricio E. Patonga mula sa Governor’s Office of Kalinga bilang representative ni Governor James S Edduba ang tseke na nagkakahalaga ng Php100,000.

Saksi sa pagpapaabot sa tulong pinansyal si Gov. Bonifacio C. Lacwasan, Jr., Tomas B. Tawagen, Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative at mga tauhan mula sa Provincial Government at Bontoc Municipal Local Government Unit.

Ang perang natanggap ay malaking bagay upang matulungan ang mga lubos na naapektuhan ng sunog sa probinsya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles