Matagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes ang mga kahoy para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa matinding pinsalang dulot ng Bagyong Julian sa Basco, Batanes nito lamang Nobyembre 26, 2024.
Pinangunahan ni Gov. Marilou H. Cayco, Batanes Provincial Governor at ni Ms. Victoria Baliuag, DENR Provincial Director ang nasabing aktibidad.
Ang mga kahoy ay donasyon mula sa DENR, na layuning matulungan ang mga apektadong pamilya sa muling pagtatayo ng kanilang mga tahanan. Ang mga lumber ay magagamit upang makapagpatayo ng mas matibay na bahay para sa mga pamilyang may totally damaged na bahay.
Bukod dito, mabibigyan din ng tulong ang mga pamilyang may partially damaged na tahanan.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya upang maibalik ang sigla at pag-asa ng mga pamilyang nasalanta ng bagyo. Ang tulong na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa muling pagbangon ng mga apektadong komunidad.
Source:Office of Batanes Governor