16.9 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

Kahalagahan ng responsableng paggamit ng AI, tinalakay sa 2nd Librarians Summit

Tinalakay sa isinagawang 2nd Librarians Summit ang responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa mga library noong Mayo 29, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) na may temang “Responsible Librarianship in the Midst of Merging Artificial Intelligence”.

Layon ng nasabing aktibidad na talakayin ang mga magiging hamon at oportunidad na dulot ng AI sa larangan ng librarianship.

Nagsilbing panauhing pandangal si Dr. Dan Anthony Dorado, UP Diliman Professor, kung saan nagbigay ito ng kanyang kaalaman tungkol sa practical application ng AI na maaaring makapagpabuti sa serbisyo at operasyon sa mga library.

Kanya ring tinalakay ang epekto ng naturang teknolohiya sa iba’t ibang aspeto sa mga aklatan tulad sa human resources, library services, at operations, kung saan sinabi rin nito na maaaring mapag-iwanan sakaling hindi pa gamitin ang naturang teknolohiya.

Nagsilbi namang kinatawan ni Governor Manuel Mamba si Atty. Ma. Rosario Mamba-Villaflor, Provincial Administrator bilang Keynote Speaker.

Aniya, bagamat kinikilala na ang kahalagahan ng AI, binigyang-diin nito ang limitasyon at nararapat pa rin aniya na huwag umasa dito at gamitin pa rin ang sariling katalinuhan.

“This is really good technology, innovation, advancement. It helps in a lot of ways like in the medical field, in economics, finance, statistics, it’s really good. But in determining how life should be for us where we should go, we should always rely on our own intelligence,” saad ni Atty. Mamba-Villaflor.

Samantala, pinasalamatan naman nito ang mga nakilahok para magkaroon din ng pagkakataon na maipakita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang malaking pagbabago ng Cagayan lalo na ang CPLRC at makapagbigay ng inspirasyon sa bawat isa.

Sinabi naman ni Michael Pinto, Provincial Librarian na magkakaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na masilip ang CPLRC bago matapos ang nasabing aktibidad.

Bukod naman sa mga isinagawang presentasyon at talakayan, nagkaroon din ng workshop kung saan ang mga kalahok ay natuto sa mga paraan ng paggamit ng AI. Isa sa mga tampok din ay ang pagpapakita ng mga bagong software na maaaring gamitin.

Nakilahok din sa nasabing summit ang mga kinatawan mula Cagayan, Nueva Vizcaya, La Trinidad Benguet, Nueva Ecija, Leyte, Isabela, Kalinga, Quezon City, Santiago City, South Cotabato, at Pasig.

Source: Cagayan Public Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles