Nakatanggap ng mga makabagong makinarya ang dalawang asosasyon ng magsasaka ng Calanasan mula sa Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng Local Grant-In-Aid Program sa bayan ng Calanasan, Apayao nito lamang ika-2 ng Agosto 2024.
Malugod na tinanggap ng 31 miyembro ng Pagbiyagan Farmers Association ang isang yunit ng PhilMech rice mill, gayundin na nakatanggap ang 96 na magsasaka mula sa Ob-Obbo Farmers Agriculture Cooperative ng isang mekanisadong sugarcane presser.
Ayon sa mga kawani ng DOST, tinatayang Php1.1 milyong halaga ng mga makinarya ang natanggap ng dalawang asosasyon na binubuo ng 127 na magsasaka.
Samantala, batid ng mga magsasaka ng Calanasan na ang mga makinaryang kanilang natanggap ay malaking tulong upang madagdagan ang kanilang kita at mabilis na maihatid ang mga produkto sa mamamayan ng Calanasan at mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay.