Quirino – Arestado ang isang kadre ng Komunistang Teroristang Grupo na may kasong Multiple Murder matapos ihain ng mga otoridad ang Warrant of Arrest sa Barangay Villa Pascua, Diffun, Quirino noong Hulyo 15, 2023.
Kinilala ang akusado na si alyas “Mon”, 66, tubong Baracaoit, Gattaran, Cagayan at Agrarian Revolution Officer ng Komiteng Probinsya Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.
Naaresto si Cudal sa bisa ng Warrant of Arrest na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang panandaliang kalayaan.
Agad namang isinilbi ang Warrant of Arrest ng pinagsanib pwersa ng 86th Infantry Battalion at PNP sa hideout ng akusado.
Natunton ang kinaroroonan ni Cudal mula sa mga impormasyon na naiparating ng mga residente sa lugar na mulat na sa mga totoong layunin ng mga komunistang teroristang grupo.
Samantala, ikinagalak ng Quirino Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang pagkakaaresto kay alyas Mon na siyang malaking kabawasan din sa pwersa ng rekrutment (sa sektor ng agrikultura) ng komunistang teroristang grupo.
Source; 5ID, PA