Masayang nakilahok ang mga miyembro ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2), sa pagbubukas ng Katuwang Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita o (KADIWA ) Trade Fair na ginanap sa Robinsons Place, Santiago City, Isabela mula November 9 hanggang 12, 2023.
Ipinagmalaki ng SLP member mula sa iba’t ibang rehiyon ang kani-kanilang produkto, tulad na lamang ng mga tuyong isda, fruit wine, banana vinegar, banana chips, fresh oyster mushroom, mushroom fruiting bag, mushroom chili paste, mushroom kikiam, at mushroom fishballs.
Dumalo rin ang 2023 grand champion Sulong Bayanihan na si Cerilo Sumajit Jr., mula sa Mallig, Isabela bilang isa sa mga exhibitor sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang mga processed mushroom products.
Layunin ng programang ito mula sa Department of Agriculture Region 2 na maipaabot sa mga mamimili ang dekalidad na produkto sa abot kayang halaga at palakasin ang asosasyon ng kooperatiba ng mga magsasaka.
Source : DSWD Region II