13.9 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Kadiwa sa NIA, inilunsad sa bayan ng Tumauini, Isabela

Inilunsad ng National Irrigation Administration Isabela Irrigation Management Office ang Kadiwa sa NIA na may temang “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita”, sa National Highway Lingaling, Tumauini, Isabela noong Oktubre 26, 2023.

Pinangunahan ni Engr. Edison L. Tolentino, Division Manager ng NIA Isabela Irrigation Management Office ang pagbubukas ng nasabing kadiwa stores na dinaluhan rin ng ilang lokal na opisyal ng Tumauini, Isabela sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Noel Baquiran Jr.

Ayon kay Engr. Tolentino, malaking tulong ang kadiwa stores sa mga magsasaka lalong-lalo na sa mga miyembro ng irrigators association.

“Inilunsad itong kadiwa bilang tugon sa programa ng Administrasyong Marcos maging ang Department of Agriculture na tumutugon sa pagtaas ng presyo ng pagkain at para matulungan na rin natin ang mga magsasaka na mabenta ng mabilis ang kanilang produkto sa tamang halaga,” saad ni Tolentino.

Hinikayat rin niya ang mga interesadong magsasaka na nagtatanim ng mga gulay.

“Sa mga interesado na gustong magtinda ng kanilang produkto dito sa kadiwa store ng NIA ay bukas ang aming opisana, makipag-ugnayan lang po kayo sa amin” dagdag ni Engr. Tolentino.

Binati at pinasalamatan naman ni Municipal Agriculturist Officer Noel Baquiran Jr. ang ahensya sa inisiyatibo nito.

“Ang lokal na pamahalaan ng Tumauini ay binabati ang NIA sa paglulunsad ng kadiwa stores dahil ito ay malaking tulong sa mga magsasaka sa ating bayan. Sanay ipagpatuloy ninyo ito at kami ay susuporta upang sa ganoon ay mahikayat pa natin ang mga small farmers na iconvert sa high value crops ang kanilang mga ibang taniman na tamnan ng mga gulay gulay,” paglalahad ni Baquiran.

Ang Kadiwa sa NIA ay bukas kada Huwebes ng umaga sa harap ng Isabela Irrigation Management Office sa nasabing bayan.

Source: DA Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles