Umarangkada ang programang Kadiwa ng Pangulo sa Mabayo Covered Court, Morong Bataan nito lamang ika-7 ng Mayo 2025.
Pinangunahan ito ng mga lokal na opisyal katuwang ang iba’t ibang ahensya upang maihatid ang murang bilihin at sariwang produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda.
Iba’t ibang agri-fishery products ang tampok sa aktibidad—mula sa gulay, isda, prutas, at iba pang lokal na produkto.
Buo ang suporta ng mga taga-Mabayo sa layunin ng programang palakasin ang lokal na agrikultura at matulungan ang mga maliliit na negosyante.
Bahagi ito ng patuloy na inisyatiba ng pamahalaan upang mas mailapit sa bawat barangay ang abot-kayang produkto, ayon na rin sa Municipal Ordinance No. 307, S.2025. tuwing Miyerkules, inaasahan ang Kadiwa ng Pangulo sa iba’t ibang barangay ng Morong.
Layunin ng programang ito na mapatatag ang ugnayan ng komunidad at ng sektor ng agrikultura, gayundin ang patuloy na pag-angat ng kabuhayan ng bawat Morongeño sa pamamagitan ng suporta sa sariling atin.

