18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Kadiwa ng Pangulo Program, umarangkada

Muling binuksan ang Kadiwa ng Pangulo Program sa Capitol Grounds, Tuguegarao City, ngayong Martes, Pebrero 6, 2024.

Ang muling pag-arangkada ng naturang programa ay bilang tugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist Office (PAO) na pinamumunuan ni Ms. Pearlita P. Mabasa sa proyekto ng gobyerno.

Ito ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos Jr. na tulungan ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyo ng bansa.

Bukod pa rito, ang layunin nito ay isulong ang mga abot-kayang presyo para sa mga pilipino.

Ang programa ay nilahukan ng labing-apat (14) na exhibitors mula sa iba’t ibang kooperatiba at ahensya ng pamahalaan katulad ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Cagayan, Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang Kadiwa ng Pangulo Program ay matatagpuan sa Kapitolyo ng Cagayan tuwing Martes at magbibigay-daan sa mga tao na bumili ng iba’t ibang mga kalakal tulad ng prutas at gulay, mga gawang kamay na produkto, BFAR assisted fishery products at iba pang produkto.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles