18.4 C
Baguio City
Monday, June 2, 2025
spot_img

Kadiwa ng Pangulo, muling binuksan sa Tuguegarao City Hall Grounds

Labis na tinangkilik ng mga mamimili ang muling pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa pangangasiwa ng City Agriculture Office na ginanap sa City Grounds ng Tuguegarao City, Cagayan, noong ika-29 ng Mayo taong kasalukuyan.

Tampok sa nasabing programa ang mga sariwang gulay, karne, at iba pang produkto na galing sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), gayundin ang mga likha ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa BJMP Tuguegarao District Jail.

Isa sa mga pinilahan ng mga mamimili ang BBM Rice na mabilis na naubos dahil sa murang presyo nito kumpara sa karaniwang palengke.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay bahagi ng pambansang inisyatiba upang hindi lamang mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin, kundi bigyang suporta rin ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante sa pamamagitan ng libreng puwesto para sa kanilang mga produkto.

Layunin nitong maghatid ng abot-kayang bilihin sa publiko habang tinutulungan ang maliliit na negosyante at lokal na prodyuser.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles