14 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Kadete mula Tabuk City, nagtapos bilang PMA’s Top Special Awardee

Sa edad na dalawampu’t isa, nagtapos bilang natatanging awardee ang isang babaeng kadete na tubong Tabuk City, Kalinga ng PMA Bagong Sinag Class nito lamang ika-18 ng Mayo 2024.

Si First Class Cadet Zita Dewi Nirvana Messakaraeng, mula sa Barangay Bado Dangwa, Tabuk City ay nakatanggap ng Humanities Plaque para sa pinakamataas na overall rating sa Humanities Department, kung saan nagpakita ng kahusayan sa lahat ng kurso na kinabibilangan ng mga disiplina tulad ng pilosopiya, literatura, kasaysayan, musika at sining.

Bukod dito, si Messakareang ay kabilang sa mga kababaihan na nagtapos sa prestihiyosong institusyong military kung saan nakakuha ng pinakamataas na karangalan.

Sa idinaos na seremonya, kasamang tumanggap ng parangal ang kanyang kaklaseng Top 1 at tatlo pang graduate na may Latin Honors, at espesyal na award.

Dagdag pa rito, ikinuwento niya ang mga hamon na kanyang hinarap noong siya ay sumali sa akademya sa edad na labing amin, nag-sikap at nag-aral ng mabuti habang dala-dala ang tiwala ng kanyang pamilya sa kanyang tagumpay sa militar.

Sa ngayon, si Messakaraeng ay nakatakdang sumali sa Philippine Air Force kasama ang mga kapwa kadete ng BAGONG SINAG.

Pangarap din ni Cadet Messakareang na sumailalim sa Military Pilot Traing (MPT) at maging isang bihasang piloto sa 15th Strike Wing, na may pangarap na magbigay ng makabuluhang kontribusyon sa sandatahang lakas bilang isang dalubhasang aviator.

Ang mga tagumpay ni Messakareang ay nakadagdag sa pamana ng mga Tabukenos at Ykalingas na nagpakitang-gilas sa akademya at naging huwarang miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles