Pangasinan – Nakatanggap ng iba’t ibang benepisyo at cash grant mula sa mga ahensya ng National Government at Provincial Government ang pamilya ni Marjorette Garcia, ang Filipino worker na pinatay ng kanyang co-employee sa Saudi Arabia nitong ika-14 ng Oktubre 2023.
Binisita ni Department of Migrant Workers Officer-In-Charge, Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Chief Arnell Ignacio ang overseas Filipino worker (OFW) sa tirahan ni Garcia sa Barangay Awai, San Jacinto, Pangasinan para magbigay ng tulong pangkabuhayan sa pamilya at scholarship grant para mga bata.
Ayon kay Director Gerardo Rimorin ng OWWA-Ilocos, makakatanggap din ang pamilya ng Php200,000 death benefit at Php20,000 burial benefit at nagbigay naman ang Provincial Government ng tulong na nagkakahalaga ng Php50,000.
Ang kaso ni Marjorette ay isang malungkot na paalala sa mga panganib na dadalhin ng mga OFW kapag nagtatrabaho sila sa ibang bansa sa pag-asang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya, lalo na ang kanilang mga anak.
Patuloy naman na makikipag-ugnayan ang ahensya sa pamilya para sa higit pang tulong sa anumang pangangailangan na maibibigay ng ahensya.