Nasungkit ng isang Cagayano ang Journalism Award ng Philippine Military Academy Bagsik-Diwa Class of 2022.
Nakuha ni Second Lieutenant Ian Van Guttan Gammad, isang proud Itawes mula sa Iguig, Cagayan ang prestihiyosong parangal.
Bago pa man pasukin ni 2Lt Gammad ang akademya ay aktibo na itong nakikilahok sa school publications at nakikisali sa mga lokal na kompetisyon sa larangan ng pagsulat.
Sa kanyang pagpasok sa PMA ay itinuloy niya ang kanyang hilig at nagsilbi bilang Luzon Representative of the National Federation of Campus Journalists of the Philippines at Co-Chair ng School Press Advisers Movement Incorporated Alumni Association.
Sa kabila ng mahirap na pagsasanay sa loob ng akademya ay nagpakita pa rin ito ng galing at talento sa larangan ng pagsusulat na siyang nagluklok sa kanya bilang Editor-in-Chief ng “The Corps,” ang official publication of the Cadet Corps Armed Forces of the Philippines.
Maliban dito, muli niyang binuhay ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika at sinimulan ang isang linggong selebrasyon ng 123rd PMA Foundation Anniversary.
Siya ay naglunsad ng iba’t ibang aktibidad sa “The Corps” gaya ng Academy Film Festival, Pautakang Pang-Akademiya, Magsaysay Inter-Company Debate Cup, Tagisan ng Obra at Sining, Company Gazette Making, Documentary Film Making, Spelling Bee, Patalasang Pampahayagan, at Plebe Knowledge Writing.
Isang inspirasyon si 2Lt Gammad sa kanyang ipinakitang dedikasyon at pagpupursige at pinatunayan niya, sa pamamagitan ng kanyang mga kontribusyon na siya ay karapat-dapat na hiranging top-notch journalist sa kanilang klase.
Source: 5th Infantry Division, Philippine Army