14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Jones Isabela na tinuturing na Pugad ng mga NPA, ganap nang Insurgency Free

Ika-apat sa buong lalawigan ng Isabela, idineklara na ang bayan ng Jones bilang malaya mula sa presensya at impluwensya ng Communist Terrorist Groups (CTGs).
Kasunod na rin ito ng pagkakadeklara bilang insurgency-free sa mga bayan ng San Mariano, San Guillermo at Echague.


Iginawad ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Municipal Peace and Order Council ang naturang pagkilala sa bisa na rin ng Resolution 2023-123 ng Sangguniang Bayan ng Jones.


Ito ay makaraan namang tanggapin ng LGU ang rekomendasyon ng PNP Jones at 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division, Philippine Army para sa naturang deklarasyon.
Nabatid na simula 2021, walang naitalang CTG violent at non-violent activities sa naturang bayan na basehan para maideklara na itong insurgency-free.


Ang Jones ay bahagi ng tinatawag na JESSA Complex na binubuo ng mga bayan ng Jones, Echague, San Agustin, San Guillermo at Angadanan, kung saan unang nagpalakas ng pwersa ang mga NPA bago sila tumulak sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon dos.
Sa kanyang mensahe, nagbalik-tanaw si Mayor Nhel Montano at inaming kinatatakutan dati ang kanilang bayan dahil sa presensya ng NPA. Kaya naman labis ang pasasalamat ng alkalde sa nakamit ngayong tagumpay ng kanilang lugar na malaking tulong para sa tuluy-tuloy nilang pag-unlad.


Personal namang dumalo sa programa sina Isabela PNP Director PCol Julio Go at 502nd Infantry Brigade Commander BGen Eugene Mata.
Source: Radyo Pilipinas Tuguegarao

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles