23 C
Baguio City
Wednesday, November 20, 2024
spot_img

Joint Assessment at Validation sa mga Pinsala ng lindol, isinagawa sa Sadanga, Mt. Province

Isinagawa ng iba’t ibang sangay ng pamahalan ang Joint Assessment at Validation sa mga pinsala ng lindol sa Sacasacan, Sadanga, Mt. Province nito lamang Agosto 9, 2022.

Ito ay pinangunahan ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa pamumuno ni Mr. Arturo S. Daag, katuwang ang mga kinatawan ng Department of Education, Department of Social Welfare and Development – Mt. Province, Mt. Province Disaster and Risk Reduction Management Office, Sadanga Municipal Social Welfare and Development Office, Department of Interior and Local Government, Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office, Sadanga Officials, Bgry. Officials at ng mga tauhan ng Sadanga Municipal Police Station.

Ayon sa ulat, 17 ang apektadong kabahayan (5 bahagyang apektado, 12 lubhang apektado na agad naman nailikas ang mga nakatira) at 3 palayan naman ang bahagyang apektado.

Samantala, ang ilang pampublikong pasilidad gaya ng Fokong irrigation system at Poblacion water system naman ay may mga bahagyang pinsala maging ang Tekan Road.

Dagdag pa sa ulat, ang mga nasuri nilang mga pinsala ay lalong lumulubha, ang mga bitak ay patuloy na lumalaki at may ilang lugar na napinsala ay paunti-unting lumulubog.

Matapos ang inspeksyon ay kanilang iminungkahi na likasin ang mga labis na napinsalang lugar upang maiwasan ang anumang sakuna at kanilang pinagkasunduan na regular na inspeksyunin ang lugar at mga apektadong residente para mabigyan ng kaukulang tulong.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles