15.9 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

Job Fair handog ng Tarlac City Government

Naghandog ng iba’t ibang serbisyo ang pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamamagitan ng Job Fair para sa mga mamamayan ng Brgy. Dela Paz, Tarlac City nito lamang Martes, ika-22 ng Nobyembre 2022.

Ang naturang programa ay kaugnay sa programang Angel Care Program Job Fair ni Mayor Cristy Angeles kung saan naghatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga Tarlakenyo.

Sa naturang programa ay nagkaroon ng birth certificate registration, salamin para sa malinaw na paningin, newborn kits, Angel Care Pharmacy, Dental Services, Medical Check-up, COVID-19 Vaccine, Antigen Test, Anti-Rabies Vaccination, Blood Typing, Local Job Recruitment, Anghel Alalay sa Maysakit at Kapansanan at tulong pang-legal.

Layunin ng programa na makapagbigay ng tulong sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan sa kanilang nasasakupan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles