14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Isang Wrangler Type Jeep nahulog sa bangin sa Atok Benguet; 2 sugatan

Nasugatan ang dalawang indibidwal matapos mahulog ang kanilang sinakyang PUV (Wrangler Type Jeep) sa bangin sa Beling, Caliking, Atok, Benguet nito lamang Hulyo 9, 2022.

Kinilala ang mga biktima na sina Joseph Pocles Cawaing, 35, driver ng nasabing sasakyan, at residente ng Sayangan, Paoay, Atok, Benguet at Marfil Ligawen Belino, 41, residente ng Caliking Proper, Atok, Benguet, pawang mga magsasaka.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga kasapi ng Atok Municipal Police Station, ang sasakyan ay nagmula sa KM. 20, Tabeyo, Tublay patungong Caliking Proper, Atok, Benguet.

Napag-alaman na habang binabagtas ang pababang kalsada ay nawalan umano ng kontrol ang driver dahilan upang mahulog ito sa bangin na may lalim na 10 metro.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan sina Cawaing at Belino na agad naman dinala sa Atok District Hospital para sa kanilang agarang lunas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles