Namahagi ng mahigit isang milyong halaga ng Fuel Vouchers at mga Black Hose ang Lokal na Pamahalaan ng Bacnotan, La Union sa 129 na mga Tobacco Farmers nitong Pebrero 6, 2024 bilang pagsuporta sa mga magsasaka na maiangat ang kanilang kabuhayan.
Ang bawat magsasaka ay nakatanggap ng Voucher na nagkakahalaga ng Php2,000.00 hanggang Php7,000.00 na nakadepende sa lawak ng kanilang lupang sinasaka.
Bukod dito, nakatanggap din ng mga magsasaka ng 60 metros na Black Hose para sa pagpapatubig ng kanilang mga tabako.
Ang pamamahagi ng mga Fuel Vouchers ay isa sa mga bagong inisyatibo ng Lokal ng Pamahalaan ng Bacnotan na inaprubahan ng Sangguniang Bayan sa pamumuno naman ni Vice-Mayor Francis Fontanilla.
Sa mensahe ni Mayor Divine Fontanilla ay kanyang binigyang diin ang pagtutulungan at kooperasyon ng mga magsasaka at ng lokal ng pamahalaan na may iisang mithiin na iangat ang kabuhayan ng mga magsasaka kasabay ng pag-angat ng ekonomiya ng bayan ng Bacnotan.
Source: Local Government of Bacnotan, La Union