Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang Hand Grenade sa 2nd Abra Provincial Mobile Force Company sa Barangay Yuyeng, Pidigan, Abra nito lamang Hulyo 16, taong kasalukuyan.
Ang nasabing pampasabog ay isang uri ng “Hand Grenade M67” na isinuko ng isang residente sa nasabing barangay.
Bago ang pagsuko ng nasabing pampasabog, nagsagawa ng dialogue/pulong-pulong ang 2nd Abra PMFC sa pangunguna ni PCpt Randal Sagorsol na pinamumunuan ni PMaj Apdilon C Galong, Acting Force Commander patungkol sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Layunin nitong suportahan ang kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa kriminalidad at insurhensya para sa katahimikan at kaayusan ng bayan.
Source: PNP 2nd Abra PMFC