23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Isang dating rebelde boluntaryong sumuko sa La Trinidad, Benguet

Boluntaryong sumuko ang isang dating rebelde sa mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera sa pamumuno ni PBGen Ronald O Lee, Regional Director sa Camp Major Bado Dangwa nito lamang Agosto 1, 2022.

Ang nasabing sumuko ay 30 taong gulang, dating miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) North Abra na kumikilos sa lalawigan ng Abra at Apayao.

Kasabay ng kanyang pagsuko ang kanyang armas na Caliber 45 Pistol at 7 bala.

Bago ang pagsuko, nagkaroon muna ng negosasyon ang PNP, AFP at barangay officials sa nasabing dating rebelde.

Ang nasabing pagsuko ay upang suportahan ang pamahalaan sa kampanya laban sa terorismo at mamuhay ng tahimik at maayos sa piling ng pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles