Isa na namang centenarian ang nakatanggap ng Php100,000 halaga mula sa pangulo nito lamang ika-3 ng Hunyo 2024.
Kinilala ang mapalad na sentenaryo na si Lolo Amante I. Alipay, tubong Dibagat, Kabugao, Apayao.
Personal na iniabot ang naturang pera ng mga kawani ng DSWD – SWAD Apayao na Project Development Officer (PDO) Sarah Gumastin-Bayani, PDO Rejane L.Kingat,at Chuckie Dan Olivas kasama sina Apayao PSWDO Jocelyn A.Loyon, Apayao Senior Citizens Focal Leeshel U. Lopez, Conner MSWDO Christine Mae Caddawan (SC Focal) at SWO Lynette Taya.

Ang natanggap na cash gift ni lolo Amante ay gagamitin niya sa kanyang pang araw-araw na pangangailangan tulad ng gamot at pagkain.
Pasasalamat naman ang naging batid ni lolo at ng kanyang pamilya sa tulong pinansyal na ipinaabot ng gobyerno.
Panulat ni Pebtwice