13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Isang Agta sa Sta. Ana, Cagayan nakatapos ng kursong BSED Major in English

Nakatapos ang isang Agta sa kursong Bachelor of Science in Education Major in English sa St. Anthony’s College, Santa Ana, Cagayan noong Mayo 30, 2022.

Siya si Zeny Sibayan Cepeda, panganay sa pitong magkakapatid, residente ng Barangay Diora Zinungan, Sta. Ana, Cagayan. Ang nanay niya ay walang trabaho samantala ang tatay ay nakakulong.

Si Zeny ay edad 25 nung pumasok sa kolehiyo sa tulong ni Dr. Zsa Zsa May Meneses, ang doctor ng mga Agta at mas kilala sa tawag na “StarDoc”.

Kinailangan niyang umakyat ng bundok at maglakad ng ilang kilometro upang magkaroon ng malakas na internet signal para sa kanyang mga online classes.

Nagsumikap at nag-aral siyang mabuti sa kabila ng mga kantiyaw, pangungutya, at hamon ng pandemya.

Nalagpasan niya ang blended learning habang nagsisilbing “little teacher” sa kanyang mga katribu.

Mula sa 110 na miyembro ng Agta sa kanilang komunidad, tanging si Zeny lamang ang College Degree holder.

“Napakasaya ko dahil ang pangarap ko na makapagtapos at maipakita sa aking tribu na kaya namin sumabay ay nagawa ko. Isa itong malaking bagay para sa akin upang maengganyo ko ang mga katribu ko na mag-aral,” saad ni Zeny.

Samantala, nakatakda siyang kukuha ng Licensure Examination for Teachers sa Marso 2023.

Source: PIA 2/ The Northern Forum

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles