24.3 C
Baguio City
Tuesday, October 8, 2024
spot_img

Isabelino na graduating sa Senior High, pumasa sa pitong International Universities bilang Scholar

Nakapasa bilang isang scholar sa pitong prestihiyosong International Universities ang isang graduating senior high student mula sa Santo Tomas, Isabela.

Ibinahagi ni Benjamin Baui, 17 anyos, ang kanyang pagkapasa sa admission exam ng Xavier University, Bently University, Arizona State University, Merrimack College, Syracuse University, Jacobs University, at The University of Arizona; pawang mga paaralan sa Estados Unidos.

Ayon kay Benjamin, may napupusuan na siyang papasukang unibersidad at gusto niya na kunin ang kursong Architecture.

Ngunit nangangamba siya na maging balakid ang isyung pinansyal dahil na din sa pandemya na lubhang nakaapekto sa negosyo ng kanilang pamilya.

Sinabi ni Benjamin sa kanyang panayam sa isang TV station na nais niyang sunggaban ang oportunidad na ito.

Layunin din niyang hingin ang suporta ng gobyerno sa pagtupad ng kanyang pangarap.

Source: PIA 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles