Nahulog ang isa pang malaking tipak na bato mula sa Mount Data Cliff, Bauko, Mountain Province nito lamang Agosto 1, 2022.
Ayon sa DPWH, katatapos lamang ang clearing operation para alisin ang mga lupa at malalaking tipak na bato na gumuho sa nasabing lugar nang may nag-ulat sa kanila na may muling nahulog na malaking tipak na bato na agad naman nilang inaksyonan.
Ayon pa sa DPWH, ang mga gamit na excavator (Doosan Crawler Type) at Compressor ay nasira sa oras ng operasyon.
Dagdag pa ng DPWH, wala naman naiulat na nasugatan o naaksidente sa nasabing pagkahulog ng mga malalaking bato.
Pansamantala munang nililinis at inoobserbahan ang nasabing lugar upang maiwasan ang mga insidente na dulot ng lindol.
Pinapaalala din nila sa publiko na iwasan muna ang pagbiyahe sa nasabing lugar dahil nagkaroon din ng malakas na pag-ulan at upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.