Matagumpay na naidaos ang turn-over ng ikatlong batch ng mga baka na ipinamahagi ng Ipilan Nickel Corporation sa Barangay Aribungos, bilang bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga Indigenous People (IP) sa Barangay Aribungos, Brooke’s Point, Palawan nito lamang Agosto 26, 2024.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng programa ng Ipilan Nickel Corporation na naglalayong palawakin at patatagin ang mga livelihood activities ng IP community.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahan na higit pang mapapalago ng komunidad ang kanilang kabuhayan.
Bukod dito, inaasahan din ng kompanya na sa pamamagitan ng programang ito, mas mapatatag ang pang araw-araw na pamumuhay ng mga residente ng Barangay Aribungos.
Ang programang ito ay patunay ng dedikasyon ng Ipilan Nickel Corporation sa pagtulong sa mga komunidad na direktang naaapektuhan ng kanilang operasyon, kasabay ng kanilang pangako na protektahan at isulong ang interes ng mga IP sa ilalim ng FPIC-MOA.
Layunin ng kompanya na hindi lamang mapabuti ang kabuhayan ng mga komunidad, kundi pati na rin ang kanilang kalidad ng pamumuhay.
Source: Palawan News