16.8 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

IP Group ng Divilacan, Isabela, nakiisa sa IP Month at 25th year ng IPRA Celebration

Dumalo at masayang nakiisa ang mga Indigenous People (IP) na nagmula sa Divilacan, Isabela upang gunitain ang IP Month at 25th Year Celebration ng Indigenous People Right Act (IPRA).

Ang aktibidad ay isang patunay na ang mga IPs na mula sa iba’t ibang munisipalidad kahit may iba’t ibang kultura, tradisyon at paniniwala ay may isang hangarin na magtulungan, magkaisa at iangat ang kapwa tungo sa pag-unlad ng bawat miyembro nito.

Ipinamalas ng programa ang kani-kanilang kasuotan, sayaw at kanta.

Ang mga kabataang miyembro ng mga katutubo ay nagpakitang gilas din sa poster at slogan making at kanilang ipinaliwanag ang kanilang gawa gamit ang kanilang sariling diyalekto.

Ito ay inisyatibo ng Culture, Heritage, Arts and Tourism Office (CHATO) ng Divilacan, Isabela sa pakikipag-ugnayan sa National Culture of Indigenous People (NCIP).

Source: NCIP Region 2 FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles