Isinagawa ang Indigenous People’s Awareness Program ng Local Government Unit ng Gabaldon, Nueva Ecija sa Sitio Mabaldog, Brgy. Ligaya, Gabaldon, Nueva Ecija nito lamang ika-29 ng Agosto 2022.
Naging tagapakinig sa nasabing aktibidad ang 90 Indigenous People’s ng nasabing barangay.
Namahagi ng kaalaman sa ating mga katutubo ang mga tauhan ng Philippine Army tungkol sa panlilinlang at pananamantala ng makakaliwang grupo.
Namigay ng 90 food packs at nagkaroon din ng libreng gupit.
Pasasalamat ang handog ng ating mga kapatid na katutubo sa dalang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Gabaldon kaagapay ang ating kasundaluhan na nagbibigay proteksyon at seguridad sa mga mamamayan.