15.9 C
Baguio City
Friday, November 1, 2024
spot_img

Inspeksyon sa mga proyekto ng KALAHI-CIDSS, isinagawa ng World Bank sa lambak ng Isabela

Nagtungo ang World Bank Group at ang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive Integrated Delivery of Social Service (KALAHI-CIDSS), National Program Management Office (NPMO) sa Bayan ng Sta. Maria at Sto Tomas, Isabela upang magsagawa ng inspeksyon sa implementasyon ng programa.

Pinamunuan ni Cicerio Aguilar, Social Development Specialist ng World bank ang pagbisita sa nasabing lugar at nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng mga ahensya at mga community volunteer.

Pahayag naman ni Aguilar, “Ang tunay na layunin namin ay mapakinggan ang inyong mga kwento kaugnay ng implemantasyon ng programang KALAHI-CIDSS. Nais naming malaman ang mga perspektibo ng lokal na Pamahalaan at mga community volunteer”.

Batay sa resulta ng inspeksyon ay aktibo ang dalawang lokal na pamahalaan at mga community volunteer nito sa pagpapatupad ng proyekto ng KALAHI-CIDSS National Community driven development Program-Additional Funding (NCDDP-AF) at maaayos na naisagawa ang mga proyekto gaya ng mga Solar dryer, barangay access road at mga drainage canals ng iba’t ibang barangay.

Samantala, batay sa pagsagawa ng inspeksyon ay lumabas din ang resulta na kailangan pang magsagawa iba’t ibang pagsasanay upang mas mapahusay ang pag-implementa ng naturang programa.

Layunin naman ng KALAHI-CIDSS na pagbutihin pa lalo ang pag-implementa ng proyekto para sa kapakanan ng munisipalidad at pamayanan, gayundin ang paghikayat sa komunidad na magtulungan sa pagsasagawa ng mga pangunahing pangangailangan sa imprastraktura.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles