17.4 C
Baguio City
Friday, June 6, 2025
spot_img

Inspection sa Clinic on barge, isinagawa

Isinagawa ang inspection sa floating clinic o ang “Clinic on Barge”, ang kauna-unahang floating clinic sa bansa sa nalalapit na pagbukas nito upang maghatid ng serbisyong medikal lalo na sa mga liblib at baybaying barangay sa lalawigan ng Pampanga nito lamang ika-4 ng Hunyo 2025.

Ang proyektong ito ay resulta ng malasakit nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, katuwang ang iba’t ibang opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan ng Kapitolyo.

May sukat na 112 metro kuwadrado at may pondong P28 milyon, ang floating clinic ay may kapasidad na umalalay sa 200 pasyente.

Mayroon itong mga pangunahing serbisyong medikal gaya ng laboratory tests (x-ray, ultrasound), dental services, minor surgical procedures, pati na rin OB-Gyne at prenatal consultations.

May pharmacy rin ito para sa mga nangangailangan ng gamot at maintenance medication.

Kumpleto rin ang pasilidad sa sewer treatment at water pumping system.

Layunin ng Clinic on Barge na mas mapalapit ang serbisyong medikal sa bawat Kapampangan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Isa itong hakbang patungo sa isang mas inklusibo at makataong sistema ng kalusugan—na ang serbisyo ay hindi lang para sa malalapit kundi para sa lahat.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles